Always read the Philippines News Today!

Ang Buhay ng Immigrant sa Canada

 

After ten years sa Arabia, nakaipon din ako
Sinubok na ma-aaply, sa agencing nasa diyaryo
Certificates at diploma, hinihinging documento
NBI at Police clearance, Mga ID at passport ko

After three months mayrong notice, kami daw ay pamedical
Sa may tabi ng Luneta, mayroon duong sang hospital
Pinaghubad, Pinaihi pati dumi’y may lalagyan
Banana cue at skyflakes, ang siya naming tanghalian

Kaya lang nagpunta, dito sa Canada
Ang iniisip ko, future ng pamilya
Kung para lang sa akin, ako ay okey na
Mataas ang posisyon, sa aming kumpanya

Limang buwan din akong, naghanap ng trabaho
Ang baon kong pera, halos maubos ko
Pambayad sa bahay, at sa telepono
Pagkain, gasolina, Insurance ng Auto

Kaya ang payo ko, sa mga bagong bago
Humanap ng kaibigang, matagal na dito
Dahil kung maraming, tutulong sa iyo
Kaydaling makakita, ng gustong trabaho

Ang unang trabaho, na aking ginawa
Nag-aalaga po ako, ng invalid na binata
Pinapakain, pinapaliguan, hinuhugasan pati baba
Para lang ako kumita, sa baho ay nagtitiyaga

May doctor at nurses, nagtrabahong caregiver
Naglinis ng mga bahay, ang mga midwife at teacher
Nagtiis magdishwasher, ang isang bank manager
Nagtitiyaga sa factory, mga kilala kong Programmer

Nuong ako ay bata pa, ang aking pinapangarap
Makapunta sa Canada, na buhay daw ay kay-sarap
Buhay kasi sa Pilipinas, lalong humihirap
Kasi naman ang gobyerno, lalo yatang naging corrupt

Ang una kong naging hakbang, Magtrabaho dun sa Saudi
Para makaipon, ng pambayad sa Embassy
Tiniis ko ang hirap, kahit medyo nagsisisi
Tiniis ko ang init, na lagpas sa 40 degree

Kapag ako’y lumalabas, sa harap ng tinitirhan
Wala akong nakikitang, mga tao sa lansangan
Di tulad don sa atin, paglabas mo may tsismisan
Kahit saan ka tumingin, may inuman may sugalan

Namimiss ko na tuloy, magtataho sa umaga
mga vendors naglalako, naglilibot sa kalsada
Merong ice cream merong fishball, may magbu-buko pa
Banana cue, sa malamig, kapag naiinitan ka

Pagkatapos ng tanghalian, may tindera ng kakanin
At sa gabi naman, Balot, penoy na may asin
May mga nagiihaw, isaw-isaw saka chicken
One day old chick at chicken feet, Paborito kong kainin

Ang lahat ng iyan, aking iniwanan
Dahil sa mga anak, na aking minamahal
Pangarap na silay, magtapos ng pagaaral
Magsipag-asawang, kasal sa simbahan

Pero di yata matutupad, ang mga pangarap ko
Na aking mga anak, magka-future dito
Dahil nung makatikim, silang magtrabaho
Tinamad ng mag-aral, magtapos ng kolehiyo

Di bale sabe nila, Ang buhay daw parang movie
Hangga’t hindi nagdidi-end, Di pa tapos ang story
Patuloy na panga-ngaral, walang sawang pagsisilbi
Nagdarasal na sila ay, magbago sa bandang huli

Walang ibang pangarap, Ang Nanay at ang Tatay
Kundi mga anak, ay maging tagumpay
Kung mga anak man, ay hinihigpitan
Ito’y para sa kanilang, mga kapakanan

Buhay sa Canada, huwag nating sayangin
Iwasan ang umutang, mga bisyo ay alisin
Pag ang gastos mas malaki, kesa susuwelduhin
Malulubog ka sa utang, Masaklap ang iyong Ending

Ang huling habilin, sa mga pilipino
Magdasal araw araw, Magsimba Linggo-Linggo
Madaling iayos, Buhay na magulo
Kapag Panginoon, ang tutulong sa iyo

ADS:
Kung ang inyong mga, istorya sa buhay
Debut man o birthday, O ano mang bagay
Gagawin kong tula o awit, lalagyan ng kulay
Tawagan lang nyo ako, duon sa aking bahay
( Jojo 604-584-0988/604-525-1345)

Kabataan sa Canada
NUON.....

MGA BATA NUON PURO MAGAGALANG
NAGMAMANO SILA SA MGA MAGULANG
KAPAG KINAKAUSAP DI NALILIMUTAN
ANG PO AT ANG OPO, NA TURO NI TATANG

KAPAG DUMADATING GALING SA ESKUWELA
YAYAKAP SA TATAY, HAHALIK SA INA
TUTULONG MAGHAIN, KAPAG KAKAIN NA
ANG BUNSONG KAPATID, SINUSUBUAN PA

PAG TAPOS KUMAIN, AY NAGAAGAWAN
MAGPUNAS NG MESA, MAGHUGAS NG PINGGAN
HABANG NAGHUHUGAS AY NAGKAKANTAHAN
HINDI NAG-AAWAY, AT NAGTUTULUNGAN

BAGO PA MANUOD NG MGA PROGRAMA
LAHAT NG ASSIGNMENT GINAGAWA MUNA
HINDI NALILIMUTAN ANG PAGDARASAL NILA
NATUTULOG NG MAAGA, KAYA KE-GAGANDA

NGAYON.......

MGA BATA NGAYON PURO MAGUGULANG
NAGMAMANO LAMANG PAG MAY KAILANGAN
PAG KINAKAUSAP SAGOT AY PABALANG
LAGING UMAALIS NG WALANG PAALAM

KAPAG DUMADATING GALING SA ESKUWELA
BUBUKSAN ANG COMPUTER, MAKIKIPAGCHAT NA
LALABAS LANG NG KUWARTO, PAG NAGUTOM NA SILA
LAHAT NG KAPATID AY INAAWAY PA

PASAYAW SAYAW, PAGITA-GITARA
BUHOK AY MAHABA , ANG HIKAW AY LIMA
BUHOK DATI’Y ITIM NGAYON AY BERDE NA
ANG PANTALONG KUPAS, AY BUTAS BUTAS PA

BUKAS ...........

KAYA MGA PARENTS, ANG PAYO KO LAMANG
ATING MGA ANAK, HUWAG PABABAYAAN
KUNG BAGA SA IBON, WALA PANG PAKPAK YAN
ITURO ANG TAMA LAGING GAGABAYAN

ANG TAMANG PAGTUTURO, SUBOK NA MABISA
SA ATING MGA ANAK, MAGING HALIMBAWA
KAPAG ANG PANGARAL, DI MO GINAGAWA
ATING MGA ANAK DI MANINIWALA

 

Contact: Winnie Alpuerto


Powered by canoyproductions.com